Darlene's Thoughts

These are mine...Respect them or leave....


Submit

Posts ng mga Ingglesero

Honestly, nakakabother na. Ganito na ba talaga ka-“slow” sa English ng mga kabataan ngayon?

May nagpost na masarap daw yung “MANGO FLUTE”. Sinabihan pang mag-aral yung nag correct sa kanya na dapat MANGO FLOAT.

Meron pang guy na humingi ng pasensya sa mga “PANS” nya kasi “MEDICAL FIVE” lang ang nakuha nyang award. Sige kuya, push mo yan hanggang makapasok sa MYTHICAL FIVE at sumaya ang mga FANS mo.

At kamusta naman ang grammar nazi na nagsabing there are 3 tenses daw, “THINK-THINKING-THINKED” and it’s “definitely right” daw. Well i sure hope you’ve THOUGHT about it kuya.

Eto nga ang latest. Si ateng affected much sa “MIRACLE IN SALE NO. 7”.Siguro mahilig magshopping si ate kaya sale ang nasa isip. Te, MIRACLE IN CELL NO. 7 po yun ha?

Haaaayyy, hindi po ako nagmamagaling. Ang akin lang, sana kasi mag-aral mabuti. Wag puro Facebook at pagshoshota ang inaatupag. #2centsworth

Reblogged from egofriendlydesigns
egofriendlydesigns:

As promised, we will do a give away to celebrate reaching 2k likes on Facebook. Finally, after months we have reached this goal and we can’t thank everyone out for the support, the compliments and the good feedback we had received. So here it is, I present you our #1stGiveaway!
To join:
Like us on Facebook: Ego Friendly Designs
Like and Share this photo from our page
Like this post.(really, really important) 
Then leave your tumblr username on the photo comments (on the Facebook photo)
Its important to like the post from Tumblr because that is where we will choose the winner via random.org. Also, don’t forget to leave your tumblr username so we’ll know its you! This giveaway will run until July 31st. Winner will be announced August 2, Saturday. Thank you guys so much! 
Items to be given: Galaxy Box Large, 2 mini lanyards, 5 bookmarks, 10 button pins, 2 cellphone pouches and an Okay? Okay. shirt. 

egofriendlydesigns:

As promised, we will do a give away to celebrate reaching 2k likes on Facebook. Finally, after months we have reached this goal and we can’t thank everyone out for the support, the compliments and the good feedback we had received. So here it is, I present you our #1stGiveaway!

To join:

  1. Like us on Facebook: Ego Friendly Designs
  2. Like and Share this photo from our page
  3. Like this post.(really, really important) 
  4. Then leave your tumblr username on the photo comments (on the Facebook photo)

Its important to like the post from Tumblr because that is where we will choose the winner via random.org. Also, don’t forget to leave your tumblr username so we’ll know its you! This giveaway will run until July 31st. Winner will be announced August 2, Saturday. Thank you guys so much! 

Items to be given: Galaxy Box Large, 2 mini lanyards, 5 bookmarks, 10 button pins, 2 cellphone pouches and an Okay? Okay. shirt. 

Sentiments of a TRUE GINEBRA FAN

Game 7, Manila Clasico. Record-breaking gate attendance = 24,883 (Di ko na sasabihin kung ilan dyan ang mga kabarangay ko at ilan ang taga planeta. Alam naman na nating lahat kung sino ang mas marami)

After a very dramatic win nung game 6, ang taas ng expectation ng buong Barangay.  Do-or-die game e, dyan magaling ang Ginebra.  Never say die!  May mga balita pang kumalat na manonood daw uli si Daddy Jawo. Lahat daw ng hosts ng It’s Showtime manonood din to show their support to LA Tenorio and sa buong Ginebra team.  May mga umabsent sa work at school para lang makanood ng game.  Eto na yun e, isang panalo na lang, nasa finals na uli ang pinakamamahal naming Ginebra.

Fast-forward na naten. Ayoko na ielaborate kung ano nangyari sa game.  Di ko na babanggitin kung ilan yung natambak samen, kung ilang beses muntik na kaming makahabol.  At the sound of the final buzzer, San Mig walked home as victors.  Sila ang papasok sa finals.  At ang Ginebra ko, baka-bakasyon din pag may time. (laslas pulso)

As usual iba’t iba ang reaction ng buong barangay.  May ibang lahat na sinisi — players, coaching staff, referees.  Kulang na lang pati yung mga nagtitinda ng popcorn at mineral water sa loob ng Araneta murahin at sisihin.   May ibang patay-mali.  Parang walang nangyari.  Parang may game 8 pa para sa kanila — “Bounce back! Okay lang yan!”  Well,  hindi ko sila masisisi.  Dugong Never Say Die ang dumadaloy e.

Ako, bilang faithful/loyal/avid fan ng Ginebra for 20 years now (shocks! ang tanda ko na!), tulala.  Nanlumo.  Umiyak.  Oo, umiyak ako na parang batang inagawan ng candy.  Wagas yung luhang umagos sa mga mata ko.  Ang sakit e.  Napaka sakit.  Masakit na hindi nanaman sila nakapasok sa finals.  Pero ang mas masakit para sakin ay yung makitang lungkot na lungkot din yung mga mahal kong players, yung mabasa mo sa mukha nilang nahihiya sila sa fans for letting them down.  :(

I know sa kahit anong sports, may nananalo, may natatalo.  So kailangan mag move on.  Move on.  Easier said than done.  Di ako nakakain ng dinner kagabi.  Alas kwatro na ng umaga gising pa ko.  Some people might say ang OA ko.  Sige lang opinion nyo yan.  I dont expect you to understand.  You wont understand kasi hindi kayo tunay na fan ng basketball.  Pero yung mga kabarangay kong di bumibitiw sa Ginebra all these years, alam kong they totally I understand me.

It’s not the end for Ginebra.  Nag-uumpisa pa lang sila.  They have nothing to be ashamed of.  Sabi nga ng isang kabarangay ko sa Twitter, "Hindi nakakahiyang matalo sa Manila Clasico game 7."  I’m sure maraming natutunan ang mga players sa series na to.  Wait and see, si Greg Slaughter mas matapang na yan next conference.  Si Japeth Aguilar mas magiging aggressive na pumoste.  Si Chris Ellis by next conference galaw beterano na.  At syempre sina Mark Caguioa ,Jayjay Helterbrand at LA Tenorio, mga pinoy vino, patuloy lang sa pagmature at pagiging good leaders ng team.

Sa mga kapwa ko walang sawang sumusuporta ang nagmamahal sa Ginebra, kudos to all of you! Kayo, tayo, ang tunay na definition ng salitang fans.  Kita kits sa Araneta or MOA Arena ha? :)

At sa mga haters ng Ginebra, sige lang.  Hate lang hate.  Aba e sino ba ang nadadagdagan ng wrinkles at umiigsi ang life span kaka-hate sa Ginebra?? Anyway, out numbered pa rin naman namin kayo e.  So….belat na lang sa inyo. :p LOL

At sa mga taong biglang bigla ay naging San Mig fans kuno, ano po ang pinaglalaban nyo?  Gusto nyo  po bang sumikat?  Ayaw nyo talagang nagpapahuli ano po?  Halos lahat kasi ng tao Manila Clasico ang pinag uusapan, laman ng newsfeed nyo puro tungkol sa Ginebra-Sanmig, kaya naman kayo nakipost na rin ng “Congrats Sanmig! Galing talaga ni James Yap!”  Well, hindi ko namang sinasabing wag kayo magpost ng ganyan.  Facebook at Twitter account nyo yan, pwde nyong ipost kahit anong gusto nyo.  You have all the right to do so as stated in the Article 3 Section 4 of the 1987 Philippine Constitution — freedom of speech. (Damn I sound so intellectual there! PAK!)

Hindi po ako pikon.  Tanggap ko pong Ginebra lost to a better team.  Kaya nga di ako nagtatatalak na luto yung laban, scripted, pinagbigyan…Ang akin lang, wag sanang nagpaparinig pa sa mga posts.  Panalo na nga team nyo e.  Mag celebrate na lang kayo.  Savor the victory and let Ginebra fans be.  Nagluluksa pa kami.  Konting respeto lang.  When I posted this on Facebook last night,MAGBIRO KA NA LASING, PATI NA SA BAGONG GISING….WAG LANG SAKEN DAHIL TALO GINEBRA KO.”, I was doing everyone a favor.  Nag warning lang ako na wag muna akong asarin kasi baka may masabi akong di maganda.  We all know naman na ang taong galit, may tendency na makapagsalita ng di maganda.  Hindi ko po pinost yan dahil di ko matanggap ang pagkatalo ng Ginebra.  At gaya nga ng sabi ng isang kong kabarangay, yung mga nang aasar daw sa Ginebra fans "adding SALT to injury". Of course ang tamang expression is adding insult to injury, may point naman siya dun.  Try mo kayang lagyan ng asin yung sugat mo, ewan ko na lang di ka mamilipit sa sakit.  Ang sakit nun kasing sakit ng pagkatalo ng Ginebra kagabi.

Pero sabi nga ng battle cry namin, NEVER SAY DIE!  Babawi ang Ginebra.  Next conference, Ginebra is a better, stronger team with more solid 6th man supporting them all way.

P.S.

Ginebra players, wag kayo pumunta sa BORA ha.  Para yung memes ng hates mawalan ng kwenta.  Love you!  See you next conference :)

"My skin is my canvas. The artwork on it represents something that is very powerful and meaningful in my life. I look at my skin as something of a living diary because all my tattoos represent a time in my life. And I never wish to shut the door on the past, so I carry it all with me."—Dave Navarro


DITTO!

"My skin is my canvas. The artwork on it represents something that is very powerful and meaningful in my life. I look at my skin as something of a living diary because all my tattoos represent a time in my life. And I never wish to shut the door on the past, so I carry it all with me."—Dave Navarro


DITTO!

Inked

NSD

Happy

Proud

Because for me, NEVER SAY DIE is not just a catchphrase. It’s my way of life.

Now everywhere I go, every step I take, I have with me the NEVER SAY DIE spirit, figuratively and literally.

Because for me, NEVER SAY DIE is not just a catchphrase. It’s my way of life.

Now everywhere I go, every step I take, I have with me the NEVER SAY DIE spirit, figuratively and literally.

Finally! Got my dream tattoo.

Never Say Die ;)

"Perhaps some Ginebra fans could live with the idea that their team could share top billing with another franchise. But sharing it with Purefoods, of all teams? It’s a fate worse than death."———->Hell yeah!!!

Ginebra: the most popular there is, the most popular there was, the most popular there ever will be. And that’s the bottomline because legions of Ginebra faithfuls said so!

Long live The Living Legend Robert Jaworski. Mabuhay ang lahing Ginebra!

Yung pic ko ginawang meme! Cooool! Thanks sa gumawa nun ;)

Tapos yung tweet ko pinakita sa tv. Kaso yung may mali ang naipakita. Sana yung edited na lang. Hehe :p

The rest, sarili kong memes. ^_^

My Ginebra memes 2